Tuesday, July 12, 2005

Noong Linggo...

Noong Linggo, ika-10 ng Hulyo, ganap na ika-2 ng hapon, sa tahanan ng mga Ilagan sa Doña Aurora Boulevard, San Vicente West, Calapan City:

Ang mga present:
Sa side ni Liezel:


  • Ang Inay
  • Si Liezel siyempre
  • Ate Esterly at Kuya Dante
  • Ate Beth at Manong Gerry
  • Kuya Xarex at Ate Mely
  • Ate Merly at Kuya Omar
  • Ate Jeanette
  • Rosel, Czyryn (di ko alam kung tama ang spelling), Jommel, Jay-R, Patrick

Dumating din nung hapon sina Ate Susan (kapatid ni Liezel) at Kuya Eric (asawa ni Ate Jeanette)

Sa side namin:


  • Ako (si Randz) Siempre
  • Ayuda Mula sa Mother Side Ko

    • Ang Tiya Baby at Tiyo Boy
    • Ang Tiya Inday
    • Ang Tiya Enya
    • Ang Tiyo Tornie
    • Ang Tiya Auring
    • Ang Tiya Nida (asawa ng Tiyo Crispin, kapatid ng Mama)
    • Ang Kuya Laoy (kapatid ko yan)
    • Ang Kuya Pablo (anak ng Tiya Inday)
  • Ayuda Mula sa Father Side Ko
    • Ang Tiyo Robert (nag-iisang kapatid na lalaki ng Papa) at Tiya Choleng
Ang Handa:

  • Spaghetti na elbow. he he! style ni Liezel yuun.
  • 12 nilagang itlog (pamahiin daw e)
  • 2 bilaong pansit na galing sa Star Cafe sa may Bagong Pook (masarap yaan)
  • 2 case na assorted na softdrinks
  • lumpiang karne
  • clubhouse sandwich yata ang tawag dun sa tinapay na ginawa ni Liezel
  • chicken na fried
  • Biko na imported pa sa Holland (Hulo yuun, sa bukid namin sa Aurora). Aba, masarap daw.
  • Nagdala rin ang Ate Esterly ng mga fruits. :-)

Bakit?

  • Aba e di nagsabi na kami ni Liezel na gusto na naming lumagay sa tahimik (langya, ang lalim!)

Ang Resulta:

  • Yehey!!!!


Tuesday, July 05, 2005

Future Site

Future site of my daily ramblings as i tread a new life.